YOUR FACE
Walang himig na paninisi kundi panghihinayang sa mga panahong dapat sana ay na-enjoy niyang kasama ang anak.
“I’m sorry, maraming humahadlang sa isip ko Liam,” naiiyak na paliwanag ni Lara.
“Ssshhh… it’s okay now, it’s okay.”
Kinabukasan, nagkamalay na si Nate. Halatang nahihirapan ito sa sakit na nararamdaman, sanhi ng mga sugat na tinamo. Umiiyak ito sa sakit na nararamdaman. At kung ramdam ni Lara ang hirap, mas ramdam ngayon ni Liam ang dobleng sakit at hirap.
Bab Populer