BILLIONAIRE's SECRET ROMANCE
"Gusto kita, Shai. Hindi ang kompanya ang rason ko kung bakit kita pinilit na pakasalan ako. Gusto kita, matagal na"
Hindi ko alam kong paano ko nakayanan ang gabing iyon. Mayroon akong nalaman tungkol sa kaniyang nararamdaman. Noong inalok niya ako ng kasal ay nawaksi sa isipan ko ang pagtingin niya sa'kin. Kaya ngayong inamin niya ang nararamdamdan para sa'kin ay muling nanumbalik kung paano niya ako titigan. Sumilay ang maliit na ngiti sa aking labi nang mapagtantong isa akong masuwerteng babae. Hindi lang nagkakagusto sa akin ang lalaking pinangarap ng iba, pinakasalan pa. Kaya naman, kahit lihim ang relasyon namin, habang-buhay ko itong iingatan.