The Zillionaire's Abandoned Wife
“Tita Mommy, you’re hurting me po! Let me go! I want my Mommy!”
“Tumigil ka!” singhal ni Wendy, masyadong madiin ang kapit sa bata.
Naramdaman ni Wendy na talong-talo siya sa bawat argumento. Ang kaniyang mukha ay namula sa galit, ang kaniyang mga mata ay nanlilisik habang nakatingin kay Trixie na tila ba gusto itong lamunin ng buhay.
Hindi niya matanggap na sa huli, si Trixie pa rin ang nakakataas.