The Secret Love Of Mr.Playboy (Saint Clare Series #2)
“Hoy! Nikki? Si Syd ‘to! Akalain mo, Dito ka pala nagwo-work?”
Nagulat siya no’ng lingunin niya ako. Lumapad ang pagkakangiti ni Nikki, nang makilala ako. “Uy! Crush! Naligaw ka? Teka, mag-isa ka lang?” masaya at pabirong tanong nito, habang naglalakad, palapit sa akin. Hindi ko na inalintana, ang itinawag sa akin ni Nikki, na crush, dahil matagal niya na talagang itinatawag sa akin ‘yon, kaya nasanay na ako.
ตอนยอดนิยม