Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
ANG PIYAYA NI PIPAY

ANG PIYAYA NI PIPAY

“Pipay!” galit na sigaw ng aking madrasta mula sa kanyang silid habang abala sa pag-aayos ng kanyang mukha. Halos magputok ang ugat sa kanyang leeg, na para bang ako ang dahilan ng lahat ng problema niya sa buhay. “Bakit po, Madam?” mahinahon kong sagot habang tuloy sa paglalampaso ng sahig. “Madam”—iyon ang itinawag niya sa akin mula pa noong una, at dahil sa takot, hindi ko na rin inusisa kung bakit. Ako nga pala si Piazza Fontana Vega, o mas kilala bilang Pipay. Dalawampu’t dalawang taong gulang na ako, ngunit hanggang Grade 5 lang ang naabot ko. Natigil ako sa pag-aaral noong mag-asawa muli ang aking ama. Simula noon, naging parang alipin na ako ng aking madrasta. Araw-araw, pareho lang ang eksena sa bahay. Ako ang gumagawa ng lahat ng gawain habang si Madam at ang kanyang anak na si Claire ay nag-e-enjoy sa luho ng buhay. Pero kahit ganoon, may lihim akong pangarap. Minsan, sa mga tahimik na gabi, iniisip ko kung darating ba ang araw na makakawala ako sa ganitong sitwasyon. “PIPAY!” muling sigaw ng aking madrasta, na tila mas nagiging galit pa. Agad kong iniwan ang mop at tumakbo sa kanyang kwarto. Kailangan kong magmadali. Kapag natagalan ako, mas matindi ang parusa. “Madam, may kailangan po ba kayo?” magalang kong tanong sa aking Madrasta. "Bakit ba ang bagal mong kumilos? HETO! Labhan mo pati ang damit ng anak ko!” sigaw niya, sabay hagis sa akin ng maruruming damit. Tumama ito sa aking mukha, pero wala akong nagawa kundi damputin ang mga ito. “Opo, Madam,” sagot ko, habang pinipigil ang pagbagsak ng luha.
Romance
1020.5K viewsCompleted
Read
Add to library
NINONG MAYOR (SPG/R-18+)

NINONG MAYOR (SPG/R-18+)

Sa edad na sampung taong gulang ay ipinadala si Marianne "Yanne" Nerizon ng kanyang magulang sa ibang bansa upang makalayo sa magulo na mundo ng politika. Isang Congressman ang kanyang ama at yumao na ang kanyang ina. After 13 years ay bumalik na siya sa Pilipinas ngunit sa kanyang pagbabalik ay siya ring araw na namatay ang kanyang ama. Inambush ang kanilang sasakyan at isang himala na nakaligtas si Marianne. Sa kanyang paggising ay bumungad sa kanya ang isang gwapong lalaki. At nalaman niya na ito pala ang kanyang ninong. Ang ninong niya na isang Mayor. Dahil naging ulila na siyang lubos ay ang ninong na niya ang kanyang magiging bagong guardian. Ngunit paano kung sa kanyang pagtira sa bahay nito ay siya ring pag-usbong ng pagmamahal sa kanyang puso. Kaya ba niyang pigilan ang kanyang sarili na mahulog sa kanyang Ninong Mayor? Her Ninong Andrew Alcantaria.
Romance
9.9739.0K viewsOngoing
Read
Add to library
UNEXPECTED CONTRACT WITH MY NINONG

UNEXPECTED CONTRACT WITH MY NINONG

Dahil sa pagkabigo sa unang pag-ibig, nakipagkasundo si Leina Valencia sa kanyang sariling ninong. Si Emil Vergara, isang lalaking seryoso, nasa kwarenta na ang edad, at hindi niya kailanman inakalang magiging parte ng puso niya. Isang peke lang sana ang kasunduan nilang kasal at walang halong damdamin. Pino-protektahan siya ng kanyang Ninong Emil mula sa taong gumawa ng masama sa kanyang buong pamilya. Ngunit habang tumatagal, unti-unti niyang naramdaman ang kakaibang damdamin sa puso niya. Hanggang sa isang araw, may natuklasan si Leina ang isang madilim na lihim na matagal nang tinatago ni Emil. Isang katotohanang babago sa lahat ng akala niyang totoo. Paano kung ang lalaking minahal na niya ay siya ring magwawasak sa kanya? At, paano niya matatanggap ang isang relasyon na kasuklam-suklam?
Romance
101.5K viewsOngoing
Read
Add to library
Her Possessive Sugar Ninong (SPG)

Her Possessive Sugar Ninong (SPG)

"Ang akin ay akin. At walang sino man ang may karapatang pakialaman ang pagmamay-ari ko! At ang gusto kong sabihin sa iyo na walang sino mang lalaki ang may karapatang hawakan ka dahil akin ka, Samarah Sa akin ka lang!" galit na sigaw ni Hendrix sa dalaga bago niya ito siniil ng halik.
Romance
1069.5K viewsCompleted
Read
Add to library
Contract Marriage sa Ninong Kong Kapitan

Contract Marriage sa Ninong Kong Kapitan

“Oh my… ang aking Kapitan! Mabuti naman naalala mo ako! Hmp malapit ng magtampo sa’yo si Lola. Ilan taon na din ang nakalipas.” Sabi ni lola ng may pagtatampo sa kaniyang tinig. “Magagawa ba naman kitang tiisin, ikaw ata ang pinaka-mamahal kong Lola!” nakangiti kong sagot kay Lola sabay yakap sa kaniya. Habang masaya akong bumabati kay Lola ay isang pigura ng babaeng nakatalikod ang unti-unting tumayo at nakangiting humarap sa amin. Si Yvette. Hindi ko inaasahan na dadating siya ngayong araw. Nakangiti siya pero makikita sa kaniyang mata ang kakaibang lungkot, isang damdamin na kahit anong tago ang gawin ay hindi niya maitatanggi. Si Yvette ang dati kong karelasyon at muntik ko ng mahalin matapos kong aliwin ang aking sarili ng malaman kong naging boyfriend ni Karmela si Andrew. Tumaas ang kilay ko ng makita ko siya. Wala naman akong pakielam sa kaniya pero knowing Yvette? Paniguradong gagawa siya ng eksena at ayokong matakot si Karmela dahil sa kaniya. Lumapit siya sa akin at nag beso. Nakangiti niya akong binati ngunit may halong pait sa kaniyang boses “My Captain Xian Herrera… its nice to see you again. Ang tagal na din ng huli nating pagkikila” may panunuya siyang tumingin kay Karmela at mapait ng ngumiti sa kaniya “siya ba? Siya ba ang dahilan kung bakit hindi mo ako sinuyo? Kaya naman pala bigla kang nawala sa picture. May bago ka na palang pinagkaka-abalahan!” Nang marinig ko ang sinabing iyon ni Yvette ay alam kong hindi lang iyon simpleng pagpuna. Naramdaman ko sa kaniyang boses ang matinding hinanakit. Kinapitan ko ng mahigpit ang kamay ni Karmela at tinignan siya na parang sinasabing “ huwag kang mag-alala hindi kita pababayaan.”
Romance
1025.8K viewsOngoing
Read
Add to library
Contract Marriage With My Billionaire Ninong

Contract Marriage With My Billionaire Ninong

SYNOPSIS Dahil sa kahirapan, isinakripisyo ni Amelia ang kanyang kalayaan upang matulungan ang kanyang lolang may sakit sa pamamagitan ng pagpapakasal sa kanyang ninong. Para na rin makalimutan niya ang kanyang ex-boyfriend na pinagpalit siya sa mayaman. Lumapit siya sa kanyang ninong upang humingi ng tulong, pero isang kasunduan ang binigay nito. Tutulong lamang ito sa kanya kung magpapakasal silang dalawa. Ang kasal na hindi bunga ng pag- ibig, ang isa sa pinakaayaw ni Amelia Chandria Lopez pero nilunok niya ang prinsipyong iyon. Natali siya sa kanyang ninong na isang bilyonaryo na si Felip Nicolas Sanvitores. Tumira sila sa iisang bahay at magkasama sa iisang kama. Para masuklian ang mga tulong na binigay ng ninong niya, ginawa niya ang kanyang tungkulin bilang isang asawa. Naging mabait sa kanya ang kanyang ninong, lahat ng pangangailangan nilang dalawa ng lola niya ay binibigay nito. At sa hindi inaasahan ay ginampanan din nito ang tungkulin bilang asawa niya kung saan unti- unting nahulog ang loob niya sa kanyang ninong. Ngunit may isang lihim na natuklasan si Amelia. Na ang kanyang ninong ang dahilan kung bakit nasira ang pamilya niya. Ang dahilan ng pagkamatay ng kanyang mga magulang. Kaya pa kaya niyang mahalin ang taong sumira sa kanyang mundo? Kaya niya kayang magpatawad at ipagpatuloy ang pagmamahalan nilang dalawa?
Romance
1010.7K viewsOngoing
Read
Add to library
Ninong Sebastian's Untamed Desire (SPG)

Ninong Sebastian's Untamed Desire (SPG)

Sa edad na dalawampu’t dalawa, mag-isa na lang sa mundo si Alina Torres. Maaga siyang naulila sa ama, at iniwan naman siya ng sariling ina para sumama sa ibang pamilya. Wala na siyang ibang mapupuntahan kundi ang taong kinatatakutan niya noon pa man—ang kanyang ninong, si Sebastian Villalobos, isang makapangyarihan at mayamang negosyante na kilala sa pagiging malamig, istrikto, at isang taong walang inuurungan. Ngunit sa ilalim ng malamig nitong anyo ay ang lalaking handang akuin ang responsibilidad na alagaan at ipagtanggol ang inaanak. Hindi niya alam kung paano tatanggapin si Alina sa buhay niya, lalo na’t habang lumilipas ang mga araw, hindi na inosente ang kanyang nararamdaman para rito. Samantala, si Alina naman ay nahahati sa pagitan ng takot at pagtitiwala. Takot, dahil alam niyang mahigpit at mapanganib ang mundo ng kanyang ninong. Pagtitiwala, dahil siya lang ang nag-abot ng kamay sa oras na lahat ay tumalikod sa kanya. Sa pagitan ng mga lihim, pangamba, at damdaming pilit nilang itinatanggi.
Romance
101.7K viewsOngoing
Read
Add to library
Secret Affair with My Hot Ninong

Secret Affair with My Hot Ninong

Matapos mamatayan ng mga magulang, natagpuan ni Liana ang sulat ng kanyang ama na naglalaman ng isang pangakong proteksyon mula sa Ninong niyang si Rafael Vergara. Sa pag-asang matulungan siya nito, lumuwas siya sa lungsod. Ngunit ang inabutan niya ay hindi ordinaryong Ninong, isang bilyonaryong haciendero, gwapo, at makapangyarihan ngunit sobrang istrikto. Tinanggap siya nito bilang kasambahay, kapalit ng pagkakataong makapag-aral. Ngunit habang tumatagal, unti-unting nagiging malabo ang hangganan ng respeto at pagnanasa. Hanggang sa ang pangako nitong proteksyon ay nauwi sa pagkahumaling. Paano na kung ang Ninong niya ang dahilan ng bawat tibok ng kanyang puso? Ngayon, siya ay bihag ng pag-ibig na ipinagbabawal… sa lalaking hindi niya dapat mahalin, ang kanyang Ninong na nakatakda ng ikasal sa kasintahan nito.
Romance
1024.0K viewsOngoing
Read
Add to library
Ang Adiksiyon ni Mr. Collymore

Ang Adiksiyon ni Mr. Collymore

YoursToClaim
Sabi nga ng iba... Love can be sad and love can be happy. Yena Suarez. Kung magkakaroon man ng katawan ang salitang 'maganda' ay siya na iyon. Noong walong taong gulang pa lamang siya ay alam na niya sa sarili niya na naka takda silang ikasal ng kaniyang matalik na kababata na si Nikko. Masaya naman sila noon, ngunit nang mag laon at namatay ang Ina ni Nikko ay doon nagbago ang pakikitungo nito sa kanya. Lalong lalo na ng malaman niyang may lihim na kasintahan pala si Nikko na matagal na palang ikinukubli nito sa kanya. Nadurog ang puso niya sa nalaman. Tinulungan siya ni Dwight, ang nakakatandang kapatid ni NikkoNikko sa labas. Doon niya pa mas nakilala si Dwight Collymore. Ngunit paano kaya kung malaman niya kung ano ang lihim na matagal ng ikinukubli rin ni Dwight sa dalaga? Paano kung... siya ang Adiksiyon niya?
Romance
10851 viewsOngoing
Read
Add to library
Ang Ganti ni Amarra Villasanta

Ang Ganti ni Amarra Villasanta

Sa likod ng karangyaan ng Hacienda Avaristo, may mga lihim na itinago — mga sigaw ng kababaihang inapi, mga pag-ibig na pinagkait, at mga kasalanang sinilaban ng panahon. Isang dalagang kasambahay, isang panginoong marahas, at isang pag-ibig na ipinagbawal— mula sa abo ng kahapon ay babangon ang isang babaeng gagamitin ang bawat sugat bilang kanyang sandata. Ito ang kuwento ni Amarra Villasanta, ang babaeng minsang inalipin, ginahasa, itinapon, ngunit muling bumangon upang ibalik ang hustisya sa lupaing minsang kinasusuklaman niya. Isang epikong kasaysayan ng pagdurusa, paghihiganti, at kapatawaran, kung saan matutuklasan na ang tunay na “lihim” ng Hacienda ay hindi ang kasalanan ng nakaraan— kundi ang kapangyarihan ng isang pusong marunong magmahal kahit sa gitna ng impyerno.
Romance
10181 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
34567
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status