MARUPOK GIRLS #2: Zimry Callueng
Dito nag-umpisa ang lahat, batid ng bahay na ito kung paano lumalim ang pagmamahal ko kay Harley, kung paano ko isinuko ang sarili sa kaniya, kung paano ako nasaktan ngunit nmnagsawalang bahala, kung paano ako nadurog, at kung paano ako sumuko.
Mariin akong pumikit at huminga ng malalim. Akmang pipindutin ko na ang door bell dahil sigurado namang na-delete na ang record ko para sa scanner nang biglang bumukas ang gate. Bumungad sa akin ang nakangiting robot guard.
"Welcome back, Ms. Zimry!" nakangiting bati nito. Kilala pa niya ako? Ibig sabihin ay may record pa ako sa bahay na 'to? Nakakonekta kasi ang memory ng robot guard sa scanner ng gate.
인기 회차