The Vampire's Maid Servant (Tagalog)
“Dahil kapag ginamit nila ‘ko laban sa ‘yo, maaaring magpamanipula ka sa kanila dahil sa pagmamahal mo sa ‘kin. Ayoko no’n, Anastacia, mas gusto kong iligtas mo ang sarili mo kahit pa kailanganin mo ‘kong ipahamak.”
Hinarap ko siya. “Hindi ko ‘yon kayang gawin sa ‘yo!”
Tiningnan niya ‘ko nang diretso at seryoso.
“Kapag ikaw ang ginamit nila sa ‘kin, hindi na ‘ko makakakilos pa. Kaya kapag may panganib na, umalis ka na pakiusap, magtago ka na, tumakbo ka na. Iyong sandata mo, nailagay ko na ‘yon no’ng nakaraan sa ilalim ng kama mo hindi ko lang nasabi. Ipagtanggol mo ang sarili mo at una mong isipin ang magpakalayo-layo. Huwag mong isiping hindi kita makikita, matat
agpuan kita saan mang sul
Bab Populer