My Young Daddy (Tagalog)
Ngumiwi siya at umaktong naduduwal kahit ang totoo’y nagseselos lang siya.
“Ay, hala siya! Choosy pa! Ayaw mo ba akong isali sa family tree ninyo? Kasi kung dalawa lang kayo, hindi na ’yon family tree . . . family two ang tawag doon! You need me, my dear future stepdaughter para mabuo mo ang inyong family tree!”
Pinaikot ni Mikaela ang mga mata, tinakpan ang mga tainga at saka mabilis na naglakad patungo sa kanilang building.