The CEO Admiration (Montiero Series 1)
Dahan-dahan kong hinarap ang sarili ko sa salamin at natulala na lamang.
Kitang-kita ko ang malaking pagbabago sa akin, mula sa mukha hanggang sa katawan kong namayat talaga. Pakiramdam ko, sa bawat araw na dumadaan ay nagiging pabigat na lang ako sa mga taong tumulong sa akin. Pakiramdam ko wala akong kwenta, walang pakinabang sa mundo.
Pakiramdam ko, sinasayang ko lang ang oras at panahon nila sa akin, mga oras nila na handa silang tulungan ako pero miski ang sarili ko ay hindi ko maggawang tulungan.
인기 회차