Isabella Flores
Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa makalabas ito ng mansyon.
" Masyadong halata si Tina, ano? " Napalingon muli si Isabella sa kusina. " Hindi man pala-salita pero halatang-halata na may gusto siya kay Señor Maximo. "
" Oo, pansin ko rin naman iyon dati pa. Ako rin naman nagka-crush sa amo natin noon, pero hanggang doon lang iyon dahil may asawa't anak na ako ngayon. " Hagikhik ng isa. " Magmula noong ikinasal ang Señor, pansin niyo na mas lalong tumahimik si Tina, 'di ba? Hindi rin kinakausap si Señora, halatang iniiwasan dahil malamang nasasaktan. "
Hot Chapters