Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
Talking To A Specter

Talking To A Specter

Si Averill Mae Fuentes ay hindi simpleng tao gaya ng karamihan. Nakikita, naririnig, at nahahawakan niya ang mga kaluluwa ng mga taong namayapa na. Naging kaibigan niya ang isa sa mga kinatatakutan ng mga ito na kilala sa bansag na 'grim reaper'. Si Silas, sa kabilang banda ay isang multo, guwapong multo na kahit na si Averill na tao ay agad na napansin. Paano kung isang araw, ang guwapong multo ay humingi ng pabor sa kaniya? Matulungan kaya ni Averill ang guwapong multong ito? Paano kung mahulog ang loob ng isa sa kanila? Handa kaya syang malaman ang sikretong bumabalot sa pagkatao ni Silas o tuluyan itong magiging dahilan para layuan siya? Walang pinipili ang pag-ibig, ngunit paano kung sumibol ito sa pagitan ng multo at ng tao?
Paranormal
104.7K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
His Dangerous Desire

His Dangerous Desire

Halos anim na taon ng secretary ng CEO si Samantha Hernandez. Isang mabuti at magaling na employee. Bukod sa pinagkakatiwalaan siya ng CEO ay itinuring na rin siya bilang isang pamilya. Si Theo Buendia naman ay kapatid ng CEO. Arrogant, Badboy at higit sa lahat ay kinaiinisan ng halos karamihan maging na ang kanyang pamilya. Isang gabi ay pumunta si Samantha sa bar upang maglasing dahil sa ginawang pangloloko sa kanya ng kanyang boyfriend. She danced her problems away until she met Theo. Pareho silang naglabas ng saloobin sa isa't-isa hanggang sa hindi nagtagal ay humantong sa mainit at kapana-panabik na sandali ang kanilang gabi. Dumaan ang ilang araw ay paulit-ulit na bumabalik si Theo sa bar kung saan sila nagkita ng dalaga. But she's nowhere in sight and Theo was disappointed. He wants her and he needs her. Hanggang sa isang araw ay nakatanggap siya ng tawag mula sa opisina ng kanyang ate na magtungo sa kanilang kompanya. Sa pagpasok niya sa opisina ng CEO ay doon niya nakita si Samantha. Labis-labis ang kanyang tuwa nang makita niya ang dalaga pero ang problema ay para bang hindi siya maalala nito. Sa kabilang banda naman ay hindi makapaniwala ni Samantha na ang lalaking nakatalik niya ng gabing iyon ay kapatid pala ng CEO. Pilit ang pagtataboy niya rito at kung maaari lang ay ayaw niya na itong makita. Pero paano niya tuluyang maipagtatabuyan ito kung sa loob ng ilang buwan ay ito ang pansamantalang magiging boss niya? Paano niya ito maiiwasan kung labis pa sa labis ang pagkahumaling nito sa kanya? Ano ang gagawin niyang hakbang kung ayaw siya nitong tantanan at halos lahat ng kilos niya ay binabantayan nito?
Romance
105.2K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
The Unforgettable Night With You

The Unforgettable Night With You

YlatheDreamer
Wala sa bokabularyo ng isang Clement Kit ang pagpapakasal, kahit nga ang salitang "commitment" ay hindi sumagi sa isipan niya. Everyone calls him a playboy, but not for so long dahil nakatakda na siyang ikasal. Natagpuan niya na lang ang sarili sa isang bar bago ang araw ng kaniyang kasal. Sa hindi malamang dahilan ay naagaw ng isang babaeng nakatayo sa entablado ang kaniyang pansin. Sa kabilang banda, nakatayo si Fauvine Lavar sa isang entablado. Sa dami ng taong naroon ay humihiling siya na sana ay may tumulong sa kaniya. Kaya laking gulat na lang niya ng may lalaking humila sa kaniya at inalalayan siya pababa. Nauwi sila sa isang mainit na gabi. Isang gabing kapwa hindi nila malimutan. Kapwa tumatak sa isip ng bawat isa pero tumatak din kaya sa puso ng bawat isa? Ngunit paano si Fauvine kung nakatakda na ikasal si Clement?
Romance
3.4K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
My Dearest Villain

My Dearest Villain

Hiraeth Faith 2
"Wala kang pagpipilian kundi tanggapin ang alok ko, Estelle," sabi ni Raziel na namumula ang mga mata. Ang tanging hangad lang ni Lady Vienna ay makasama ang lalaking bida ng kuwento. Hanggang sa lumitaw ang isang salamangkero at inabot sa kanya ang isang libro isang araw. Ang libro pala ay naglalaman ng daloy ng kanyang buhay! Ipinagpalagay pa nga niya na siya ang pangunahing babae, ngunit siya ang kontrabida sa kuwento! Nang malaman niyang papatayin siya ng kontrabida, si Duke Raziel, sa edad na 22, ginagawa niya ang lahat para maiwasan ito! Lumapit siya sa kontrabida at nalaman ang sikreto nito, na naging dahilan upang imungkahi niya sa kanya ang isang kontrata ng kasal kapag natuklasan niya ang katotohanan tungkol sa aktwal na katangian ng lalaking lead. Sa karamihan ng mga kuwento, ang mga kontrabida ay pinapatay, ang lalaki at babae ay nagpakasal, at sila ay nabubuhay nang maligaya magpakailanman; gayunpaman, tinututulan ni Lady Vienna "Estelle" Thaleia Xaviera ang pattern na ito. It’s up to Vienna na pigilan ang mga pagkalason, pagbabanta sa kamatayan, pagkakanulo, at pagpatay na mangyari bilang resulta ng aklat. "Mas mabuting magmahal ng kontrabida dahil alam naming gagawin niya ang lahat para sa iyo. Ang bida, sa kabilang banda, ay handang isuko ang iyong buhay para sa ikabubuti ng lahat.”
Fantasy
3.3K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Under His Temptation

Under His Temptation

Tatlong taon na ang nakalipas simula noong maghiwalay sina Eloise at Cassian dahil matinding awayan ng kanilang mga pamilya. Napagtanto ni Cassian na mahal niya pa rin si Eloise kahit ilang taon pa ang nakalipas, nagsisi siya kung bakit iniwan niya ang babaeng pinakamamahal at sinisi sa kasalanang hindi naman siya ang may gawa. Muli siyang bumalik sa Pilipinas at desididong hanapin si Eloise. Nais niyang makabawi sa lahat ng sakit na idinulot niya rito at sa pag-asang tatanggapin siyang muli nito at ipagpatuloy ang naudlot nilang relasyon. Ngunit nalaman niyang nalubog na sa utang ang pamilya ni Eloise. Nakita itong oportunidad ni Cassian upang muling kumonekta sa dalaga. Inalok niya ito ng kasal kapalit ng pagtulong niya sa pagbayad ng utang ng kaniyang pamilya. Kahit na mayroong pag-aalinlangan sa dibdib ni Eloise ay tinanggap niya ang kasunduan at naging tulay ito upang ipagpatuloy nilang muli ang nagwakas nilang pag-ibig. Sa kabilang banda naman ay ang kanilang kasiyahan ay panandalian lamang nang malaman ni Carsen, nakababatang kapatid ni Cassian ang muling pakikipag ugnayan sa pamilya ni Eloise, na sanhi ng pagkamatay ng kanilang ina. Dulot ng matinding galit ay handang gawin ni Carsen ang lahat upang maputol ang namumuong ugnayan ng dalawa. Gagawin niya ang lahat upang mawala sa paningin nila si Eloise kahit pa ang tanging paraan lang ay kamatayan. Ang matinding pagkamuhi ba ng kanilang pamilya sa isa't isa ang magiging rason sa tuluyang paghihiwalay ng dalawa? O sapat ba ang kanilang pag-ibig upang puksain ang namumutawing poot na bumabalot sa kanila?
Romance
9.93.3K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
The One-Year Contract

The One-Year Contract

solasabegail
OUT of boredom, Apple thought of sketching a teddy bear on the blank side of a contract in front of her, without her realizing that it was actually a contract and her sketch would be counted as her signature. Nakasaad ditong kailangan n'yang samahan si Dravour Ichigo Forestier, isang sikat na modelo, sa loob ng isang taon, hindi lamang upang maging alila nito kundi upang paibigin ito bago matapos ang kontrata. Sa kabilang banda, kontrata ang naisip na paraan ni Dravour upang makahanap ng babaeng ihaharap sa kaniyang ina. Ito ay bilang pagtutol niya sa kagustuhan nitong ipakasal siya sa kaniyang kababatang si Shantall na hindi naman niya mahal. Ang kaibigang sina Hiro at Kio ang tumutulong sa kan'ya sa paghahanap ng babae, at kapag hindi n'ya ito nagugustuhan ay s'ya na mismo ang tumatapos sa kontrata. Bagama't mas'yadong isip-bata at 'weird' ang dalaga ay hindi kaagad tinapos ni Dravour ang kasunduan kahit na malaya siyang gawin iyon sa simula pa lamang. Hindi n'ya rin magawang ipakita sa babae ang kaniyang tunay at itinatagong kondisyon dahil sa takot — takot na iwan din s'ya nito katulad ng ginawa ng mga naunang babaeng kaniya ring pinaperma. Sa kabila ng mga balakid at problemang idinulot ng kontratang iyon, pipiliin pa rin ba nila na ipagpatuloy ito? O sila na rin mismo ang kaagad na tatapos dito?
Romance
102.0K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Her Dark Side

Her Dark Side

AJ Almonte
"Kung inaakala mong masisindak mo ko sa mga ginagawa mo, pwes! Mag-isip ka ng milyong beses Sebastian.. Hintayin mo...kung pa'no 'ako' masindak. At nang sa gayo'n ay maipakita ko sa'yo ang tunay na hitsura ng salitang 'impyerno!'" Banggain mo na lahat, huwag lang ang isang Maruh Velarde. Pero sa isang banda, wala sa bokabularyo ni Drix Tharn Sebastian ang salitang 'talo'.
1.4K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
SENSHI ACADEMY

SENSHI ACADEMY

Kaiyor
[Senshi comes from japanese word meaning 'fighter'.] Buong buhay ni Blaire Aqear ay inalay niya upang maprotektahan ang mga batang nailigtas niya mula sa bihag ng mga masasamang nilalanang na tinatawag na dark enchant. Naninirahan sila sa dark forest kung saan wala nang pakialam ang buong light kingdom dito. Hindi sila naaksyunan. Wala silang mapuntahan kaya naman ginamit ni Blaire ang limang porsyento ng kaniyang kapangyarihan upang makapaglagay ng matibay na barrier. Ngunit ano ang mangyayari sa mga batang ito kung ang tagapagligtas nila ay hindi na nakabalik pa? Saan nga ba ito nagpunta? Nawawalan sila ng pag asa. Makakalabas pa ba sila dito o bago pa man sila makaapak sa labas ay nakuha na sila ng mga dark enchant? Sa kabilang banda ay aksidenteng nakarating si Blaire sa senshi academy. Ayaw niya doon. Paano siya makakabalik? Paano niya mapapaliwanag na ang dark forest na kinatatakutan ng lahat ay may mga batang umaasa na maililigtas sila? Paano siya makakauwi sa kaniyang tahanan? Sa pananatili ni blaire sa akademya ay naranasan niyang maging masaya, malungkot, magtaka at mag usisa. Hindi siya makapaniwala sa mga nangyayari sa kaniya. "Kung alam ko lang na ganito ang kapalit sa lahat ng ginawa ko para sa kanila, sana hindi ko na itinuloy pa." Blaire Aqear.
1.8K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Sold to a Mafia Boss

Sold to a Mafia Boss

Lunoxlovesyou
Sabi nga ng iba, ang pag-ibig ay hindi nabibili ng pera ngunit nakakasilaw ito ng ibang tao. Si Semphil ay Isang babaing ubod ng Ganda ngunit sa kabila nito ay hindi niya maikukubli ang kahirapan ng buhay niya. Ang Ina niyang mukhang pers ay pinilit siyang pasalihin sa Isang auction na dadaluhan ng mga mayayaman. Sa kabilang Banda si Vleen Cen Santibañez na Isang Mafia lord ay Mula sa prominenteng pamilya, mataas ang tingin sa sarili at may pagka arogante Ngunit paano kung Ang Isang katulad niya ay umibig sa Isang tulad ni Semphil? Gaano kalaking halaga ang handa niyang igugol para lamang makuha ang dalaga?
Romance
1.5K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Till Heaven Draw Us Near Again

Till Heaven Draw Us Near Again

Amasili
Ang kuwentong ito ay tumatalakay kung paano nabuo ang "wagas na pag- ibig" sa pagitan ng dalawang puso na pinagtagpo at itinadhana sa maling panahon at maling pagkakataon. Dalawang puso na parehong nakatali sa mga sinumpaang pangako, ngunit pilit pa ring ipinaglalapit ng pag- ibig. Ngunit, paano na ang dalawang puso na nagmamahalan kung makakalaban nila ang Tadhana na hahadlang sa kanilang pag-iibigan na hindi maaaring sumibol sa lupa, sapagkat sa ibang panahon at pagkakataon sila nakatakdang magsama hanggang sa dulo ng walang hanggan? Hindi ito tipikal na istorya ng pag- ibig na kung saan "kapag mahal mo, ipaglalaban mo", bagkus sa kuwentong ito tuturuan ka ng hangganan kung hanggang saan ka lang dapat makipagbuno sa ngalan ng pag- ibig. Sa kabilang banda, hindi lamang umiikot sa pag- iibigan ng dalawang pangunahing karakter ang matutunghayan sa nobelang ito, dahil nakapaloob rin sa kathang ito ang pinakamataas na antas ng pag- ibig- ang pag-ibig sa Diyos, gayundin ang pagyakap sa sariling kasalanan, pagtanggap sa sariling kahinaan, kapatawaran sa kapuwa at sarili, at higit sa lahat, pagtuklas sa tunay na misyon o papel kung bakit ka naririto at nabubuhay pa sa mundo.
1.4K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Sebelumnya
1234
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status