Oops! Mali ang Nasakyan kong Kama
kung gaano pala katahimik ang mukha ni Maeve kapag natutulog.
Hindi ito makulit, hindi ito palaasar, hindi ito palasagot, hindi rin ito palaging nakakunot ang noo para lamang itong isang batang pagod na pagod matapos ang mahabang araw, bahagya siyang napangiti.
"Sabi ko nga..." Mahina niyang bulong. "Makulit ka lang kapag gising."
Unti-unti siyang bumangon upang hindi ito magising ngunit napansin niyang bahagyang nakalabas ang isang paa ni Maeve sa kumot dahil malamig na ang madaling-araw.