Memories of the Past [COMPLETED]
isa. Walang ginawa si Gobernador Gregorio kung hindi maglaro ng liam-po at magsabong nang walang puknat at saka nagsimula na humitit ng apyan. Sakaling kayo ay napadaan kung mag-darapithapon sa daan ng Santo Cristo ay makikita ninyo ang isang taong nakaupo sa tindahan ng isang Intsik. Siya'y isang lalaking maliit, naninilaw, payat, hukot, malalim at namumungay ang mga mata. Ang mga labi at kuko ay nangingitim. Kung gumagabi ay makikita na ay mapupunang siya'y titindig na hirap na hirap at nakatungkod na tutuloy sa isang makipot na panulukan at papasok sa isang maruming dampa. Sa ibabaw ng pinto ito ay may isang karatulang malalaki ang titik na kinababasahan ng ganito: Fumadero Publico de Anf